Tuesday, May 18, 2010

Dear PARDS

Posted by MKatBautista at 11:36 AM

Pards, kakausap lang natin last Tuesday (May 11, 2010) nung nadischarge ka na sa Heart Center, nagtatawanan pa tayo. Todo kwento ka pa sa nangyari sayo, sabi mo di ka pa pinapasok ni San Pedro kasi wala ka pa sa listahan.

Pards, maraming salamat sa apat na taong kaibigan kita. Bestfriend pa. Alam ko marami akong pagkukulang sayo pero mahirap man aminin, sinadya ko un. Ayoko kasi mapalapit ng sobra sayo dahil alam kong darating tayo sa puntong ito. Pero kahit na ganun man, sobrang pinahahalagahan ko ang pagkakaibigan natin. Madami din tayong pinagsamahan bilang magkaklase, magkaibigan, at magkadebate.

Pards, sobrang mamimiss kita... Sabi mo, ninong ka pa ng magiging anak ko. Sabi mo, mag-aaral ka pa ng law. Sabi mo, susunod ka pa sa yapak ng parents mo na lawyers. Sabi mo, aalis ka para magpagaling. Sabi mo, mumultuhin mo ko ng bonggang bongga. Sabi mo, sa lahat ng masamang damo, ikaw ang good boy.

Pards, tumagal ka ng 23yrs sa mundong ibabaw, nagkakilala tayo't naging magkaibigan, laking pasasalamat ko na nagkaron ako ng kaibigang tulad mo. Kahit na maraming hindi nakakaintindi sa kayabangan mo minsan, alam ko namang maaasahan ka talaga. Hindi ko makakalimutan ang payo mong isa-Diyos ang mga problema. Sa ngayon, ang alam ko lang, nadagdagan na ang mga anghel na gumagabay sakin. Huwag mo kong pababayaan ha.



See you in time my new guardian angel...




PATRICK M. REONAL
January 26, 1987 - May 15, 2010

0 comments:

Post a Comment

 

C'est La Vie! Copyright © 2010 Design by Ipietoon Blogger Template Graphic from Enakei